YouVersion Logo
Search Icon

Isaias 12

12
Awit ng Pasasalamat
1Sa araw na iyon, aawit kayo:
Panginoon, pinupuri#12:1 pinupuri: o, pinapasalamatan. ko kayo. Nagalit kayo sa akin, pero hindi na ngayon, at ngayoʼy inaaliw nʼyo na ako.
2Kayo, O Dios ang aking Tagapagligtas.
Magtitiwala po ako sa inyo at hindi matatakot.
Kayo, Panginoon, ang nagbibigay ng lakas sa akin, at kayo ang aking awit.
Kayo nga ang nagligtas sa akin.”
3Kung paanong ang malamig na tubig ay nagbibigay kagalakan sa nauuhaw, kayo naman ay magagalak kapag iniligtas na kayo ng Panginoon. 4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:
“Purihin ninyo ang Panginoon!
Sambahin nʼyo siya!
Sabihin nʼyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa.
Sabihin nʼyo na karapat-dapat siyang purihin.#12:4 purihin: o, pasalamatan.
5Umawit kayo sa Panginoon dahil kahanga-hanga ang kanyang mga ginawa.
Ipahayag nʼyo ito sa buong mundo.
6Sumigaw kayo at umawit sa galak, kayong mga taga-Zion.
Sapagkat makapangyarihan ang Banal na Dios ng Israel na nasa piling ninyo.”

Currently Selected:

Isaias 12: ASND

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in

YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy