Mga Taga-Efeso 6
6
Aral sa mga Magulang at mga Anak
1Mga anak, sundin ninyo ang mga magulang ninyo alang-alang sa Panginoon dahil ito ang nararapat gawin. 2“Igalang mo ang iyong amaʼt ina.” Ito ang unang utos na may kasamang pangako, 3“upang maging mabuti ang iyong kalagayan at mabuhay ka nang matagal.”
4At kayo namang mga magulang#6:4 magulang: Sa literal, mga ama., huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.
Aral sa mga Alipin at mga Amo
5Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may katapatan, paggalang at pagkatakot na parang si Kristo ang pinaglilingkuran ninyo. 6Gawin ninyo ito nang kusang-loob, hindi dahil nakatingin sila para silaʼy malugod, kundi dahil mga alipin kayo ni Kristo na gumagawa ng kalooban ng Diyos. 7Maglingkod kayo nang may mabuting kalooban na para bang ang Panginoon mismo ang pinaglilingkuran ninyo at hindi ang tao. 8Alalahanin ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat isa ayon sa ginawa niyang mabuti, alipin man siya o hindi.
9At kayo namang mga amo, tratuhin ninyo nang mabuti ang inyong mga alipin at huwag ninyo silang tatakutin o pagbabantaan, dahil alam naman ninyong kayoʼy kapwa may iisang amo sa langit, at wala siyang kinikilingan kahit sino.
Mga Kagamitang Pandigma na Kaloob ng Diyos
10At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan. 11Isuot ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos upang malabanan ninyo ang masasamang plano ng diyablo. 12Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito. 13Kaya gamitin ninyo ang lahat ng kagamitang pandigma na ibinigay sa inyo ng Diyos, upang sa oras na dumating ang kasamaan ay magawa ninyong makipaglaban, at pagkatapos ng pakikipaglaban ay manatili pa rin kayong matatag.
14Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot ninyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. 15Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. 16Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. 17Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.
18At manalangin kayo sa lahat ng oras sa tulong ng Espiritu. Ipanalangin ninyo ang lahat ng dapat ipanalangin. Huwag kayong magpabaya; patuloy kayong manalangin lalo na para sa lahat ng mga hinirang. 19Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos ng wastong pananalita upang maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang Balita na inilihim noon. 20Sapagkat isinugo ako ng Diyos para ipangaral ang Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko. Kaya kung maaari, ipanalangin ninyong maipahayag ko ito nang buong tapang gaya ng nararapat.
Mga Pangwakas na Pagbati
21Si Tiquico, na minamahal nating kapatid at tapat na lingkod ng Panginoon, ang magbabalita sa inyo ng lahat tungkol sa akin, upang malaman ninyo ang kalagayan ko at kung ano ang mga ginagawa ko. 22Ito ang dahilan kung bakit pinapunta ko siya sa inyo: Para malaman ninyo ang tungkol sa amin at mapalakas niya ang loob ninyo.
23Mga kapatid, sumainyo nawa ang kapayapaan, pag-ibig at pananampalatayang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
24Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, kayong lahat na nagmamahal sa kanya nang tapat.
Currently Selected:
Mga Taga-Efeso 6: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
Ephesians 6
6
1 CHILDREN, OBEY your parents in the Lord [as His representatives], for this is just and right.
2 Honor (esteem and value as precious) your father and your mother–this is the first commandment with a promise–[Exod. 20:12.]
3 That all may be well with you and that you may live long on the earth.
4 Fathers, do not irritate and provoke your children to anger [do not exasperate them to resentment], but rear them [tenderly] in the training and discipline and the counsel and admonition of the Lord.
5 Servants (slaves), be obedient to those who are your physical masters, having respect for them and eager concern to please them, in singleness of motive and with all your heart, as [service] to Christ [Himself]–
6 Not in the way of eye-service [as if they were watching you] and only to please men, but as servants (slaves) of Christ, doing the will of God heartily and with your whole soul;
7 Rendering service readily with goodwill, as to the Lord and not to men,
8 Knowing that for whatever good anyone does, he will receive his reward from the Lord, whether he is slave or free.
9 You masters, act on the same [principle] toward them and give up threatening and using violent and abusive words, knowing that He Who is both their Master and yours is in heaven, and that there is no respect of persons (no partiality) with Him.
10 In conclusion, be strong in the Lord [be empowered through your union with Him]; draw your strength from Him [that strength which His boundless might provides].
11 Put on God's whole armor [the armor of a heavy-armed soldier which God supplies], that you may be able successfully to stand up against [all] the strategies and the deceits of the devil.
12 For we are not wrestling with flesh and blood [contending only with physical opponents], but against the despotisms, against the powers, against [the master spirits who are] the world rulers of this present darkness, against the spirit forces of wickedness in the heavenly (supernatural) sphere.
13 Therefore put on God's complete armor, that you may be able to resist and stand your ground on the evil day [of danger], and, having done all [the crisis demands], to stand [firmly in your place].
14 Stand therefore [hold your ground], having tightened the belt of truth around your loins and having put on the breastplate of integrity and of moral rectitude and right standing with God,
15 And having shod your feet in preparation [to face the enemy with the firm-footed stability, the promptness, and the readiness produced by the good news] of the Gospel of peace. [Isa. 52:7.]
16 Lift up over all the [covering] shield of saving faith, upon which you can quench all the flaming missiles of the wicked [one].
17 And take the helmet of salvation and the sword that the Spirit wields, which is the Word of God.
18 Pray at all times (on every occasion, in every season) in the Spirit, with all [manner of] prayer and entreaty. To that end keep alert and watch with strong purpose and perseverance, interceding in behalf of all the saints (God's consecrated people).
19 And [pray] also for me, that [freedom of] utterance may be given me, that I may open my mouth to proclaim boldly the mystery of the good news (the Gospel),
20 For which I am an ambassador in a coupling chain [in prison. Pray] that I may declare it boldly and courageously, as I ought to do.
21 Now that you may know how I am and what I am doing, Tychicus, the beloved brother and faithful minister in the Lord [and His service], will tell you everything.
22 I have sent him to you for this very purpose, that you may know how we are and that he may console and cheer and encourage and strengthen your hearts.
23 Peace be to the brethren, and love joined with faith, from God the Father and the Lord Jesus Christ (the Messiah, the Anointed One).
24 Grace (God's undeserved favor) be with all who love our Lord Jesus Christ with undying and incorruptible [love]. Amen (so let it be).
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation