Mga Gawa 16:27-28
Mga Gawa 16:27-28 ASD
Nagising ang guwardiya at nakita niyang bukas ang mga pintuan. Akala niyaʼy tumakas na ang mga bilanggo, kaya hinugot niya ang kanyang espada at magpapakamatay na sana siya. Ngunit sumigaw si Pablo, “Huwag kang magpakamatay! Narito kaming lahat!”