2 Mga Taga-Corinto 9
9
1Hindi na kailangang sumulat pa ako sa inyo tungkol sa pagtulong sa mga hinirang ng Diyos, 2dahil alam ko namang gustong-gusto ninyong tumulong. Ipinagmamalaki ko pa nga ito sa mga taga-Macedonia. Sinabi ko sa kanila na mula pa noong nakaraang taon, kayong mga taga-Acaya ay handa nang magbigay ng tulong, at ito nga ang nagtulak sa karamihan sa kanila na magbigay din. 3Kaya nga pinauna ko na diyan sina Tito, upang matiyak na handa na kayo sa inyong tulong gaya ng ipinagmalaki ko sa mga taga-Macedonia. Sa ganoon, hindi nila masasabing walang kuwenta ang pagmamalaki namin tungkol sa inyo. 4Sapagkat kung dumating ako diyan kasama ang ilang mga taga-Macedonia at makita nilang hindi pa pala kayo handa sa inyong ibibigay gaya ng sinabi ko sa kanila, mapapahiya ako at pati na rin kayo. 5Kaya nga naisip kong paunahin ang mga kapatid na ito sa akin upang habang hindi pa ako nakakarating ay malikom na ang inyong mga ipinangakong tulong. At sa ganitong paraan, makikita ng mga tao na kusang-loob ang inyong pagbibigay, at hindi dahil napilitan lamang.
Paghikayat sa Pagiging Mapagbigay
6Tandaan ninyo ito: Ang naghahasik ng kaunti ay umaani ng kaunti, at ang naghahasik ng marami ay umaani ng marami. 7Ang bawat isa sa inyo ay magbigay nang ayon sa sariling kapasyahan, nang walang pag-aatubili, at hindi sapilitan, dahil mahal ng Diyos ang mga nagbibigay nang may kagalakan. 8At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa. 9Gaya ng sinasabi sa Kasulatan:
“Namigay siya sa mga dukha;
kailanman ay hindi makakalimutan
ang kanyang mabubuting gawa.”#9:9 Salmo 112:9.
10Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba. 11Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.
12Dahil sa inyong pagbibigay, hindi lamang ninyo natutugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya, kundi magiging dahilan din ito upang marami ang magpasalamat sa Diyos. 13Sapagkat pinatutunayan ninyo sa inyong pagtulong na sinusunod ninyo ang Magandang Balita tungkol kay Kristo na inyong pinaniniwalaan. At dahil sa pagtulong ninyo sa kanila at sa iba pa, papupurihan nila ang Diyos. 14Buong puso silang mananalangin para sa inyo dahil sa dakilang biyaya ng Diyos na ipinamalas sa inyo. 15Pasalamatan natin ang Diyos sa kanyang kaloob na hindi natin kayang ipaliwanag.
Currently Selected:
2 Mga Taga-Corinto 9: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
2 Corinthians 9
9
1 NOW ABOUT the offering that is [to be made] for the saints (God's people in Jerusalem), it is quite superfluous that I should write you;
2 For I am well acquainted with your willingness (your readiness and your eagerness to promote it) and I have proudly told about you to the people of Macedonia, saying that Achaia (most of Greece) has been prepared since last year for this contribution; and [consequently] your enthusiasm has stimulated the majority of them.
3 Still, I am sending the brethren [on to you], lest our pride in you should be made an empty boast in this particular case, and so that you may be all ready, as I told them you would be;
4 Lest, if [any] Macedonians should come with me and find you unprepared [for this generosity], we, to say nothing of yourselves, be humiliated for our being so confident.
5 That is why I thought it necessary to urge these brethren to go to you before I do and make arrangements in advance for this bountiful, promised gift of yours, so that it may be ready, not as an extortion [wrung out of you] but as a generous and willing gift.
6 [Remember] this: he who sows sparingly and grudgingly will also reap sparingly and grudgingly, and he who sows generously [that blessings may come to someone] will also reap generously and with blessings.
7 Let each one [give] as he has made up his own mind and purposed in his heart, not reluctantly or sorrowfully or under compulsion, for God loves (He takes pleasure in, prizes above other things, and is unwilling to abandon or to do without) a cheerful (joyous, "prompt to do it") giver [whose heart is in his giving]. [Prov. 22:9.]
8 And God is able to make all grace (every favor and earthly blessing) come to you in abundance, so that you may always and under all circumstances and whatever the need be self-sufficient [possessing enough to require no aid or support and furnished in abundance for every good work and charitable donation].
9 As it is written, He [the benevolent person] scatters abroad; He gives to the poor; His deeds of justice and goodness and kindness and benevolence will go on and endure forever! [Ps. 112:9.]
10 And [God] Who provides seed for the sower and bread for eating will also provide and multiply your [resources for] sowing and increase the fruits of your righteousness [which manifests itself in active goodness, kindness, and charity]. [Isa. 55:10; Hos. 10:12.]
11 Thus you will be enriched in all things and in every way, so that you can be generous, and [your generosity as it is] administered by us will bring forth thanksgiving to God.
12 For the service that the ministering of this fund renders does not only fully supply what is lacking to the saints (God's people), but it also overflows in many [cries of] thanksgiving to God.
13 Because at [your] standing of the test of this ministry, they will glorify God for your loyalty and obedience to the Gospel of Christ which you confess, as well as for your generous-hearted liberality to them and to all [the other needy ones].
14 And they yearn for you while they pray for you, because of the surpassing measure of God's grace (His favor and mercy and spiritual blessing which is shown forth) in you.
15 Now thanks be to God for His Gift, [precious] beyond telling [His indescribable, inexpressible, free Gift]!
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation