YouVersion Logo
Search Icon

1 Mga Taga-Corinto 5

5
Parusa sa mga Gumagawa ng Imoralidad
1May nagbalita sa akin na mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng seksuwal na imoralidad: Kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Itoʼy masahol pa sa ginagawa ng mga taong hindi kumikilala sa Diyos, dahil maging sila ay hindi gumagawa nito. 2Nagagawa pa ninyong magmayabang, sa halip na magluksa at paalisin sa inyong pagtitipon ang taong gumagawa ng ganyan! 3-4Kahit na wala ako diyan nang personal, nariyan naman ako sa espiritu. At sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, hinatulan ko na ang taong iyon. Kaya sa pagtitipon ninyo, isipin ninyo na parang nariyan na rin ako sa espiritu. At sa kapangyarihang ibinigay sa atin ng ating Panginoong Hesu-Kristo, 5ipaubaya ninyo kay Satanas ang taong iyon upang mapahamak ang kanyang katawan ngunit maligtas ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
6Hindi tama ang pagyayabang ninyo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Ang kaunting pampaalsa ay nakakapagpaalsa sa buong masa ng harina”? 7Kaya itapon ninyo ang lumang pampaalsa na walang iba kundi ang kasalanan, upang maging malinis kayo tulad ng bagong masa ng harina. Sa katunayan, talaga namang malinis na kayo, sapagkat ihinandog na si Kristo para sa atin. Tulad siya ng tupa na hinahandog bilang pag-alaala sa Pista ng Paglampas ng Anghel. 8Kaya ipagdiwang natin ang pistang ito hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa kundi ng tinapay na walang pampaalsa na ang ibig sabihin ay talikuran na natin ang dati nating mga kasalanan at kasamaan, at mamuhay na tayo nang malinis at tapat.
9Sumulat ako sa inyo noon na huwag kayong makikisama sa mga imoral. 10Hindi ko tinutukoy dito ang mga taong hindi sumasampalataya sa Diyos na gumagawa ng imoralidad, sakim, magnanakaw, at sumasamba sa diyos-diyosan. Dahil kung iiwasan ninyo sila, kinakailangan ninyo talagang umalis sa mundong ito. 11Ang tinutukoy ko na huwag ninyong pakikisamahan ay ang mga nagsasabing silaʼy mga kapatid sa Panginoon ngunit mga imoral, sakim, sumasamba sa diyos-diyosan, mapanlait, lasenggo, at magnanakaw. Huwag kayong makisalo sa kanila.
12-13Kung sabagay, ano ba ang karapatan kong husgahan ang mga hindi mananampalataya? Ang Diyos na ang huhusga sa kanila. Ngunit tungkulin ninyo na husgahan ang mga kapwa mananampalataya kung tama o mali ang kanilang ginagawa, dahil sinasabi sa Kasulatan, “Itiwalag ninyo sa inyong grupo ang taong masama.”#5:12‑13 Deu. 17:7.

Currently Selected:

1 Mga Taga-Corinto 5: ASD

Highlight

Share

Copy

None

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in