1 Mga Taga-Corinto 14
14
Ang Pagsasalita ng Ibaʼt Ibang Wika na Hindi Natutunan
1Sikapin ninyong makamtan ang pag-ibig, ngunit sikapin din ninyong makamtan ang mga kaloob na espirituwal, lalo na ang magpropesiya. 2Sapagkat ang taong nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay nakikipag-usap hindi sa tao kundi sa Diyos, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu. 3Ngunit ang taong nagpapahayag ng propesiya ay nagsasalita sa mga tao para silaʼy patibayin, palakasin ng loob at aliwin. 4Ang nagsasalita sa wikang hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag ng propesiya ay nagpapatibay sa iglesya. 5Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan, ngunit mas ninanais kong makapagpropesiya kayo. Sapagkat ang taong nagpapahayag ng propesiya ay mas mahalaga kaysa sa nagsasalita sa ibaʼt ibang wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag sa kahulugan ng sinasabi niya upang mapatibay ang iglesya.
6Ngayon, mga kapatid, ano ba ang mapapala ninyo kung pumunta ako riyan at magsalita sa ibaʼt ibang wika? Wala! May mapapala lamang kayo kung bibigyan ko kayo ng pahayag, o kaalaman, o propesiya, o aral. 7Kahit ang mga instrumentong walang buhay tulad ng plawta at alpa ay kailangang malinaw ang mga notang tinutugtog, dahil kung hindi, paano malalaman ng nakakarinig kung anong awit ang tinutugtog? 8At ganoon din sa trumpeta ng mga sundalo, kung hindi malinaw ang tunog nito, sinong maghahanda para sa digmaan? 9Ganito rin sa inyo. Kung nagsasalita kayo sa ibaʼt ibang wikang hindi naman naiintindihan, paano ito mauunawaan ng iba? Para ka na ring nakikipag-usap sa hangin. 10Totoo ngang maraming ibaʼt ibang wika sa mundo, ngunit ang bawat isa ay may kahulugan. 11Kung hindi ko maintindihan ang wikang ginagamit ng isang tao, ako ay nagiging dayuhan sa nagsasalita nito at ang nagsasalita nito ay nagiging dayuhan rin sa akin. 12At dahil nga hinahangad naman ninyo ang mga kaloob ng Espiritu, pagsikapan ninyong matanggap ang mga kaloob na nagpapatibay sa iglesya.
13Kaya nga, ang taong nagsasalita sa ibang wikang hindi niya natutunan ay dapat manalangin at humiling na bigyan din siya ng kakayahang ipaliwanag ito. 14Kung nananalangin ako sa ibang wikang hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi ko naman naiintindihan ang sinasabi ko. 15Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit mananalangin din ako sa paraang naiintindihan ko. Aawit ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit aawit din ako sa paraang naiintindihan ko. 16Kung magpapasalamat ka sa Diyos sa pamamagitan ng espiritu lamang, paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang iyong sinasabi? 17Kahit mabuti ang pagpapasalamat mo sa Diyos, hindi naman ito nakakapagpatibay ng iba.
18Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakapagsasalita ako sa ibaʼt ibang wika ng higit pa sa inyong lahat. 19Ngunit sa iglesya, mas gugustuhin ko pang magsalita ng limang katagang nauunawaan para maturuan ko ang iba, kaysa libo-libong kataga sa wikang wala namang nakakaunawa.
20Mga kapatid, huwag kayong maging isip-bata sa pag-unawa sa mga bagay na ito. Kung sa masasamang bagay, mag-isip kayong tulad ng mga bata na walang malay sa kasamaan. Ngunit sa pang-unawa, mag-isip kayong tulad ng mga matatanda. 21Sinasabi ng Panginoon sa Kasulatan#14:21 Sa Griyego, sa kautusan.:
“Magsasalita ako sa mga taong ito
sa pamamagitan ng ibaʼt ibang wika
at sa pamamagitan ng mga dayuhan,
ngunit hindi pa rin sila makikinig sa akin.”#14:21 Isa. 28:11‑12.
22Kaya ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi natutunan ay isang tanda, hindi para sa mga mananampalataya, kundi para sa mga hindi mananampalataya. Ngunit ang pagpapahayag ng propesiya ay hindi para sa mga hindi mananampalataya, kundi para sa mga mananampalataya. 23Kung nagtitipon kayong mga mananampalataya at lahat kayoʼy nagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan, at may dumating na mga di-mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, hindi ba nila aakalaing nasisiraan kayo ng bait? 24Ngunit kung lahat kayoʼy nagpapahayag ng propesiya ng Diyos at may dumating na hindi mananampalataya na hindi alam ang inyong ginagawa, makikilala niyang makasalanan siya, at malalaman niya ang tunay niyang kalagayan. 25Maging ang mga lihim ng kanyang puso ay maihahayag, at dahil dito, siyaʼy magpapatirapa at sasamba sa Diyos, at masasabi niyang ang Diyos ay talagang nasa piling ninyo.
Ang Maayos na Pagsamba
26Kaya mga kapatid, ito ang nararapat ninyong gawin kapag kayo ay nagtitipon: May aawit, may magtuturo, may magpapahayag ng propesiya, may magsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi nila natutunan, at ang iba namaʼy ipapaliwanag kung ano ang kahulugan ng mga sinasabi sa mga wikang iyon. At gawin ninyo ang lahat ng iyan sa ikapagpapatibay ng iglesya. 27Kung may magsasalita sa ibang wika, kailangang dalawa lamang o tatlo, at huwag sabay-sabay, at dapat may magpapaliwanag sa kahulugan ng kanilang sinasabi. 28Ngunit kung walang magpapaliwanag, mas mabuti pang tumahimik na lamang sila sa loob ng iglesya at makipag-usap na lamang sa Diyos nang sarilinan.
29Kung may gustong magpropesiya, hayaang magsalita ang dalawa o tatlo sa kanila. Ang iba namaʼy dapat suriing mabuti kung tama ba o mali ang kanilang sinasabi. 30Ngayon, kung sa mga nakaupo ay may pinagkalooban ng pahayag, dapat tumahimik na ang nagsasalita. 31Sa ganitong paraan, kayong lahat ay mabibigyan ng pagkakataong makapagpropesiya nang sunod-sunod, upang matuto ang lahat at mapatibay ang kanilang pananampalataya. 32Ang mga nagpapahayag ng propesiya ay dapat may pagpipigil sa sarili.#14:32 dapat may pagpipigil sa sarili: O may kakayahang pigilin ang kanyang sarili. 33Sapagkat ang Diyos ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan – tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos.
34Ang mga babae ay dapat tumahimik sa mga pagtitipon ninyo dahil hindi sila pinahihintulutang magsalita. Dapat silang magpasakop sa mga lalaki ayon sa sinasabi ng Kautusan. 35Kung may tanong sila, tanungin na lamang nila ang kanilang asawa pagdating sa kanilang bahay. Sapagkat nakakahiyang magsalita ang isang babae sa loob ng iglesya.
36Inaakala ba ninyong nagmula sa inyo ang salita ng Diyos, o di kayaʼy kayo lamang ang nakatanggap nito? 37Kung mayroon sa inyong nag-aakala na may kakayahan siyang magpahayag ng propesiya ng Diyos o siyaʼy mayroong mga kaloob na espirituwal, dapat din niyang kilalanin na ang mga sinusulat ko sa inyoʼy utos mismo ng Panginoon. 38At kung mayroon mang hindi kumikilala sa aking mga sinasabi ay huwag din ninyong kilalanin.
39Kaya mga kapatid, pakahangarin ninyong makapagpahayag kayo ng propesiya ng Diyos, at huwag ninyong ipagbawal ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wikang hindi ninyo natutunan. 40Ngunit gawin ninyo ang lahat sa maayos at wastong paraan.
Currently Selected:
1 Mga Taga-Corinto 14: ASD
Highlight
Copy
Compare
Share
Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Biblica® Open Ang Salita ng Diyos™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Ang “Biblica” ay ang tatak-pangkalakal na nakarehistro sa Biblica, Inc. sa United States Patent at Trademark Office.
Ginamit nang may pahintulot.
“Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.
Used with permission.
1 Corinthians 14
14
1 EAGERLY PURSUE and seek to acquire [this] love [make it your aim, your great quest]; and earnestly desire and cultivate the spiritual endowments (gifts), especially that you may prophesy (interpret the divine will and purpose in inspired preaching and teaching).
2 For one who speaks in an [unknown] tongue speaks not to men but to God, for no one understands or catches his meaning, because in the [Holy] Spirit he utters secret truths and hidden things [not obvious to the understanding].
3 But [on the other hand], the one who prophesies [who interprets the divine will and purpose in inspired preaching and teaching] speaks to men for their upbuilding and constructive spiritual progress and encouragement and consolation.
4 He who speaks in a [strange] tongue edifies and improves himself, but he who prophesies [interpreting the divine will and purpose and teaching with inspiration] edifies and improves the church and promotes growth [in Christian wisdom, piety, holiness, and happiness].
5 Now I wish that you might all speak in [unknown] tongues, but more especially [I want you] to prophesy (to be inspired to preach and interpret the divine will and purpose). He who prophesies [who is inspired to preach and teach] is greater (more useful and more important) than he who speaks in [unknown] tongues, unless he should interpret [what he says], so that the church may be edified and receive good [from it].
6 Now, brethren, if I come to you speaking in [unknown] tongues, how shall I make it to your advantage unless I speak to you either in revelation (disclosure of God's will to man) in knowledge or in prophecy or in instruction?
7 If even inanimate musical instruments, such as the flute or the harp, do not give distinct notes, how will anyone [listening] know or understand what is played?
8 And if the war bugle gives an uncertain (indistinct) call, who will prepare for battle?
9 Just so it is with you; if you in the [unknown] tongue speak words that are not intelligible, how will anyone understand what you are saying? For you will be talking into empty space!
10 There are, I suppose, all these many [to us unknown] tongues in the world [somewhere], and none is destitute of [its own power of] expression and meaning.
11 But if I do not know the force and significance of the speech (language), I shall seem to be a foreigner to the one who speaks [to me], and the speaker who addresses [me] will seem a foreigner to me.
12 So it is with yourselves; since you are so eager and ambitious to possess spiritual endowments and manifestations of the [Holy] Spirit, [concentrate on] striving to excel and to abound [in them] in ways that will build up the church.
13 Therefore, the person who speaks in an [unknown] tongue should pray [for the power] to interpret and explain what he says.
14 For if I pray in an [unknown] tongue, my spirit [by the Holy Spirit within me] prays, but my mind is unproductive [it bears no fruit and helps nobody].
15 Then what am I to do? I will pray with my spirit [by the Holy Spirit that is within me], but I will also pray [intelligently] with my mind and understanding; I will sing with my spirit [by the Holy Spirit that is within me], but I will sing [intelligently] with my mind and understanding also.
16 Otherwise, if you bless and render thanks with [your] spirit [thoroughly aroused by the Holy Spirit], how can anyone in the position of an outsider or he who is not gifted with [interpreting of unknown] tongues, say the Amen to your thanksgiving, since he does not know what you are saying? [I Chron. 16:36; Ps. 106:48.]
17 To be sure, you may give thanks well (nobly), but the bystander is not edified [it does him no good].
18 I thank God that I speak in [strange] tongues (languages) more than any of you or all of you put together;
19 Nevertheless, in public worship, I would rather say five words with my understanding and intelligently in order to instruct others, than ten thousand words in a [strange] tongue (language).
20 Brethren, do not be children [immature] in your thinking; continue to be babes in [matters of] evil, but in your minds be mature [men].
21 It is written in the Law, By men of strange languages and by the lips of foreigners will I speak to this people, and not even then will they listen to Me, says the Lord. [Isa. 28:11, 12.]
22 Thus [unknown] tongues are meant for a [supernatural] sign, not for believers but for unbelievers [on the point of believing], while prophecy (inspired preaching and teaching, interpreting the divine will and purpose) is not for unbelievers [on the point of believing] but for believers.
23 Therefore, if the whole church assembles and all of you speak in [unknown] tongues, and the ungifted and uninitiated or unbelievers come in, will they not say that you are demented?
24 But if all prophesy [giving inspired testimony and interpreting the divine will and purpose] and an unbeliever or untaught outsider comes in, he is told of his sin and reproved and convicted and convinced by all, and his defects and needs are examined (estimated, determined) and he is called to account by all,
25 The secrets of his heart are laid bare; and so, falling on [his] face, he will worship God, declaring that God is among you in very truth.
26 What then, brethren, is [the right course]? When you meet together, each one has a hymn, a teaching, a disclosure of special knowledge or information, an utterance in a [strange] tongue, or an interpretation of it. [But] let everything be constructive and edifying and for the good of all.
27 If some speak in a [strange] tongue, let the number be limited to two or at the most three, and each one [taking his] turn, and let one interpret and explain [what is said].
28 But if there is no one to do the interpreting, let each of them keep still in church and talk to himself and to God.
29 So let two or three prophets speak [those inspired to preach or teach], while the rest pay attention and weigh and discern what is said.
30 But if an inspired revelation comes to another who is sitting by, then let the first one be silent.
31 For in this way you can give testimony [prophesying and thus interpreting the divine will and purpose] one by one, so that all may be instructed and all may be stimulated and encouraged;
32 For the spirits of the prophets (the speakers in tongues) are under the speaker's control [and subject to being silenced as may be necessary],
33 For He [Who is the source of their prophesying] is not a God of confusion and disorder but of peace and order. As [is the practice] in all the churches of the saints (God's people),
34 The women should keep quiet in the churches, for they are not authorized to speak, but should take a secondary and subordinate place, just as the Law also says. [Gen. 3:16.]
35 But if there is anything they want to learn, they should ask their own husbands at home, for it is disgraceful for a woman to talk in church [for her to usurp and exercise authority over men in the church].
36 What! Did the word of the Lord originate with you [Corinthians], or has it reached only you?
37 If anyone thinks and claims that he is a prophet [filled with and governed by the Holy Spirit of God and inspired to interpret the divine will and purpose in preaching or teaching] or has any other spiritual endowment, let him understand (recognize and acknowledge) that what I am writing to you is a command of the Lord.
38 But if anyone disregards or does not recognize [that it is a command of the Lord], he is disregarded and not recognized [he is one whom God knows not].
39 So [to conclude], my brethren, earnestly desire and set your hearts on prophesying (on being inspired to preach and teach and to interpret God's will and purpose), and do not forbid or hinder speaking in [unknown] tongues.
40 But all things should be done with regard to decency and propriety and in an orderly fashion.
1954, 1958, 1962, 1964, 1965, 1987 by The Lockman Foundation