1 Mga Taga-Corinto 13
13
1Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao o ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumataginting. 2Kung may kakayahan man akong magpropesiya at umunawa sa lahat ng hiwaga at lahat ng kaalaman, at kung mayroon man akong pananampalatayang kayang maglipat ng mga bundok, ngunit wala naman akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. 3At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
4Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, 5hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa, 6hindi natutuwa sa kasamaan, kundi nagagalak sa katotohanan, 7laging pinapasan ang lahat, laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at nagtitiyaga hanggang wakas.
8May katapusan ang propesiya at ang pagsasalita sa ibaʼt ibang wika ay matitigil, at ang kaalaman ay mawawalan ng kabuluhan, ngunit ang pag-ibig ay walang hangganan. 9Hindi pa ganap ang ating kaalaman, ganoon din ang pagpapahayag natin ng mensahe ng Diyos. 10Ngunit darating ang panahong magiging ganap ang lahat, mawawala na ang anumang hindi ganap.
11Noong bata pa ako, ang aking pagsasalita, pag-iisip at pangangatwiran ay tulad ng sa bata. Ngunit ngayong matanda na ako, iniwan ko na ang mga ugaling pambata. 12Sa ngayon, para tayong nakatingin sa malabong salamin; ngunit darating ang araw na malinaw na ang ating makikita. Bahagya lamang ang ating nalalaman ngayon; ngunit darating ang araw na malalaman natin ang lahat, tulad ng ganap na pagkakakilala ng Diyos sa atin.
13At ngayon, ang tatlong bagay na ito ang nananatili: ang pagtitiwala, pag-asa, at pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.
Currently Selected:
1 Mga Taga-Corinto 13: ASD
Highlight
Share
Copy

Want to have your highlights saved across all your devices? Sign up or sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.