1
Mga Kawikaan 19:21
Magandang Balita Bible (Revised)
Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.
Compare
Explore Mga Kawikaan 19:21
2
Mga Kawikaan 19:17
Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad.
Explore Mga Kawikaan 19:17
3
Mga Kawikaan 19:11
Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan.
Explore Mga Kawikaan 19:11
4
Mga Kawikaan 19:20
Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo.
Explore Mga Kawikaan 19:20
5
Mga Kawikaan 19:23
Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.
Explore Mga Kawikaan 19:23
6
Mga Kawikaan 19:8
Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay.
Explore Mga Kawikaan 19:8
7
Mga Kawikaan 19:18
Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya.
Explore Mga Kawikaan 19:18
8
Mga Kawikaan 19:9
Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan.
Explore Mga Kawikaan 19:9
YouVersion uses cookies to personalize your experience. By using our website, you accept our use of cookies as described in our Privacy Policy
Home
Bible
Plans
Videos