1
MGA TAGA ROMA 7:25
Ang Biblia (1905/1982)
ABTAG
Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.
Compare
Explore MGA TAGA ROMA 7:25
2
MGA TAGA ROMA 7:18
Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala.
Explore MGA TAGA ROMA 7:18
3
MGA TAGA ROMA 7:19
Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa.
Explore MGA TAGA ROMA 7:19
4
MGA TAGA ROMA 7:20
Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin.
Explore MGA TAGA ROMA 7:20
5
MGA TAGA ROMA 7:21-22
Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. Sapagka't ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob
Explore MGA TAGA ROMA 7:21-22
6
MGA TAGA ROMA 7:16
Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan.
Explore MGA TAGA ROMA 7:16
Home
Bible
Plans
Videos