1
ISAIAS 65:24
Ang Biblia, 2001
ABTAG01
At mangyayari na bago pa sila tumawag ay sasagot ako, samantalang sila'y nagsasalita ay makikinig ako.
Compare
Explore ISAIAS 65:24
2
ISAIAS 65:17
“Sapagkat narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit at bagong lupa; at ang mga dating bagay ay hindi na maaalala, o darating man sa isipan.
Explore ISAIAS 65:17
3
ISAIAS 65:23
Sila'y hindi gagawa nang walang kabuluhan, o manganganak man para sa kapahamakan, sapagkat sila ang magiging supling ng mga pinagpala ng PANGINOON, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
Explore ISAIAS 65:23
4
ISAIAS 65:22
Sila'y hindi magtatayo at iba ang titira, sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagkat gaya ng mga araw ng punungkahoy, ay magiging gayon ang mga araw ng aking bayan, at matagal na tatamasahin ng aking pinili ang gawa ng kanilang mga kamay.
Explore ISAIAS 65:22
5
ISAIAS 65:20
Hindi na magkakaroon doon ng sanggol na nabuhay lamang ng ilang araw, o ng matanda man na hindi nalubos ang kanyang mga araw; sapagkat ang kabataan ay mamamatay na may isandaang taong gulang, at susumpain ang taong hindi makaabot sa isandaang taong gulang.
Explore ISAIAS 65:20
6
ISAIAS 65:25
Ang asong-gubat at ang kordero ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at alabok ang magiging pagkain ng ahas. Sila'y hindi mananakit o maninira man sa lahat kong banal na bundok, sabi ng PANGINOON.”
Explore ISAIAS 65:25
7
ISAIAS 65:19
Ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligayahan sa aking bayan; at ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kanya, o ang tinig man ng daing.
Explore ISAIAS 65:19