Samakatuwid, nakabatay ang pangako ng Diyos sa pananampalataya upang itoʼy maging biyaya ng Diyos at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham; hindi lamang ng mga sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga Hentil na sumasampalataya ring tulad ni Abraham, sapagkat siya ang ama nating lahat.