1
Pahayag 22:13
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli, o ang simula at ang katapusan.
Compare
Explore Pahayag 22:13
2
Pahayag 22:12
Sinabi ng Panginoong Hesus, “Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya.
Explore Pahayag 22:12
3
Pahayag 22:17
Sinabi ng Espiritu at ng babaeng ikakasal, “Halikayo!” Ang lahat ng nakarinig nito ay magsabi rin, “Halikayo!” Lumapit ang sinumang nauuhaw at gustong uminom ng tubig na nagbibigay-buhay. Wala itong bayad.
Explore Pahayag 22:17
4
Pahayag 22:14
“Mapalad ang naglilinis ng mga damit nila, dahil papayagan silang makapasok sa lungsod at kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay.
Explore Pahayag 22:14
5
Pahayag 22:7
Sinabi ni Hesus, “Malapit na akong dumating! Mapalad ang mga sumusunod sa mga pahayag ng Diyos sa aklat na ito.”
Explore Pahayag 22:7
6
Pahayag 22:5
Wala nang gabi roon, kaya hindi na kailangan ang mga ilawan o ang liwanag ng araw, dahil ang Panginoong Diyos ang magiging ilaw nila. At maghahari sila magpakailanman.
Explore Pahayag 22:5
7
Pahayag 22:20-21
Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng nakasulat dito, “Talagang malapit na akong dumating!” Sinabi ko naman, “Amen! Pumarito na po kayo, Panginoong Hesus.” Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesus. Amen.
Explore Pahayag 22:20-21
8
Pahayag 22:18-19
Binabalaan ko ang lahat ng nakakarinig sa propesiya sa aklat na ito. Sa sinumang magdagdag sa mga nilalaman ng aklat na ito, idaragdag ng Diyos sa kanya ang mga salot na nakasulat dito. At ang sinumang magbawas sa mga nilalaman ng aklat na ito ay aalisan ng Diyos ng karapatang kumain sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay. At mawawalan din siya ng karapatang makapasok sa Banal na Lungsod na nabanggit sa aklat na ito.
Explore Pahayag 22:18-19
Home
Bible
Plans
Videos