1
Pahayag 20:14-15
Ang Salita ng Diyos
ASD
At ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat na talaan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan ay itinapon sa lawang apoy. Pagkatapos, itinapon din doon ang kamatayan at ang mundo ng mga patay. Ang parusang ito sa lawang apoy ay ang ikalawang kamatayan.
Compare
Explore Pahayag 20:14-15
2
Pahayag 20:12
At nakita ko ang mga namatay, tanyag at hindi, na nakatayo sa harap ng trono. Binuksan ang mga aklat, pati na ang aklat buhay. At ang bawat isa sa kanila ay hinatulan ayon sa ginawa nila na nakatala sa mga aklat na iyon.
Explore Pahayag 20:12
3
Pahayag 20:13-14-15
Kahit sa dagat sila namatay o sa lupa, naglabasan sila mula sa mundo ng mga patay at hinatulan ang lahat ayon sa mga ginawa nila. At ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat na talaan ng mga taong binigyan ng buhay na walang hanggan ay itinapon sa lawang apoy. Pagkatapos, itinapon din doon ang kamatayan at ang mundo ng mga patay. Ang parusang ito sa lawang apoy ay ang ikalawang kamatayan.
Explore Pahayag 20:13-14-15
4
Pahayag 20:11
Pagkatapos, nakita ko ang malaki at puting trono at ang nakaupo roon. Ang langit at ang lupa ay biglang naglaho at hindi na nakita.
Explore Pahayag 20:11
5
Pahayag 20:7-8
Pagkatapos ng isang libong taon, pakakawalan si Satanas mula sa kanyang bilangguan. Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, na tatawaging Gog at Magog. Titipunin sila ni Satanas at isasama sa pakikipagdigma. At ang matitipon niyang mga sundalo ay kasindami ng buhangin sa tabing-dagat.
Explore Pahayag 20:7-8
Home
Bible
Plans
Videos