1
Salmo 51:10
Ang Salita ng Diyos
ASD
Isang busilak na puso, O Diyos, ang likhain nʼyo sa akin; bagong espiritung matapat, ang ibigay sa akin.
Compare
Explore Salmo 51:10
2
Salmo 51:12
Panumbalikin sa akin ang kagalakang bunga ng inyong pagliligtas sa akin. Bigyan nawa ako ng espiritung masunurin.
Explore Salmo 51:12
3
Salmo 51:11
Huwag nʼyo po akong itaboy palayo sa inyong piling, at huwag nʼyo po sanang bawiin ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
Explore Salmo 51:11
4
Salmo 51:17
Ang handog ko sa inyo, O Diyos, ay isang pusong nagpapakumbaba, at nagsisisi sa kanyang kasalanan. O Diyos, ito ang handog na hindi ninyo tatanggihan.
Explore Salmo 51:17
5
Salmo 51:1-2
O Diyos, ako poʼy inyong kaawaan sang-ayon sa inyong tapat na pagmamahal; Ang mga pagsuway koʼy inyo pong pawiin sang-ayon sa inyong pagmamalasakit sa akin. Hugasan nʼyo po ako sa aking kasamaan, at linisin nang lubos sa aking kasalanan.
Explore Salmo 51:1-2
6
Salmo 51:7
Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusan luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.
Explore Salmo 51:7
7
Salmo 51:4
Tanging sa inyo lamang ako tunay na nagkasala. Di kalugod-lugod sa inyong harapan ang aking ginawa. Kaya ang inyong paghuhusga sa akin ay makatarungan. Nararapat lamang na akoʼy inyong hatulan.
Explore Salmo 51:4
Home
Bible
Plans
Videos