1
Marcos 8:35
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang sinumang nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay maililigtas ito.
Compare
Explore Marcos 8:35
2
Marcos 8:36
Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?
Explore Marcos 8:36
3
Marcos 8:34
Pagkatapos, tinawag niya ang mga tao, pati na ang mga alagad niya at sinabi sa kanila, “Ang sinumang gustong maging alagad ko ay dapat itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.
Explore Marcos 8:34
4
Marcos 8:37-38
May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? Kung ako at ang mga salita ko ay ikakahiya ninuman sa harap ng taksil at makasalanang henerasyong ito, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao sa pagparito niya taglay ang kaluwalhatian ng kanyang Ama, at kasama ang mga banal na anghel.”
Explore Marcos 8:37-38
5
Marcos 8:29
Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias!”
Explore Marcos 8:29