1
Marcos 13:13
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
Compare
Explore Marcos 13:13
2
Marcos 13:33
Kaya mag-ingat kayo at laging magbantay, dahil hindi ninyo alam kung kailan ako darating.
Explore Marcos 13:33
3
Marcos 13:11
Kapag dinakip kayo at dinala sa hukuman, huwag ninyong alalahanin kung ano ang sasabihin ninyo. Bastaʼt sabihin ninyo ang ipinasasabi ng Diyos sa oras na iyon. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Banal na Espiritu sa pamamagitan ninyo.
Explore Marcos 13:11
4
Marcos 13:31
Ang langit at ang lupa ay maglalaho, ngunit ang mga salita ko ay mananatili magpakailanman.
Explore Marcos 13:31
5
Marcos 13:32
“Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
Explore Marcos 13:32
6
Marcos 13:7
Kapag nakabalita kayo ng mga digmaan o usap-usapan tungkol sa digmaan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga iyan, ngunit hindi pa ito ang katapusan.
Explore Marcos 13:7
7
Marcos 13:35-37
“Kaya maging handa kayo, dahil hindi ninyo alam kung kailan darating ang may-ari ng bahay; maaaring sa hapon o sa hatinggabi, sa madaling-araw o sa umaga. Baka bigla siyang dumating at madatnan kayong natutulog. Kaya ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko rin sa lahat: Maging handa kayo!”
Explore Marcos 13:35-37
8
Marcos 13:8
Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.
Explore Marcos 13:8
9
Marcos 13:10
Dapat munang maipangaral ang Magandang Balita sa lahat ng bansa, bago dumating ang katapusan.
Explore Marcos 13:10
10
Marcos 13:6
Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.
Explore Marcos 13:6
11
Marcos 13:9
“Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sinagoga. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon ninyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin.
Explore Marcos 13:9
12
Marcos 13:22
Sapagkat lilitaw ang mga di-tunay na Mesias at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at kababalaghan upang malinlang, kung maaari, pati ang mga pinili ng Diyos.
Explore Marcos 13:22
13
Marcos 13:24-25
“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang kinalalagyan.’
Explore Marcos 13:24-25
Home
Bible
Plans
Videos