1
Marcos 11:24
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kaya tandaan ninyo: Anuman ang hilingin ninyo sa Diyos sa panalangin, manampalataya kayong natanggap na ninyo ito, at matatanggap nga ninyo.
Compare
Explore Marcos 11:24
2
Marcos 11:23
Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo.
Explore Marcos 11:23
3
Marcos 11:25
At kapag nananalangin kayo, patawarin nʼyo muna ang mga nagkasala sa inyo upang ang mga kasalanan ninyo ay patawarin din ng inyong Amang nasa langit. [
Explore Marcos 11:25
4
Marcos 11:22
Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumampalataya kayo sa Diyos!
Explore Marcos 11:22
5
Marcos 11:17
Pagkatapos, pinangaralan niya ang mga tao roon. Sinabi niya, “Hindi baʼt sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan ng lahat ng bansa?’ Ngunit ginawa ninyong pugad ng mga tulisan.”
Explore Marcos 11:17
6
Marcos 11:9
Ang mga nauuna kay Hesus at ang mga sumusunod sa kanya ay sumisigaw, “Papuri sa Diyos!” “Pinagpala ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!”
Explore Marcos 11:9
7
Marcos 11:10
“Pinagpala ang dumarating na kaharian ng ninuno nating si David!” “Papuri sa Diyos sa Kaitaasan!”
Explore Marcos 11:10