1
Mateo 18:20
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, kasama nila ako.”
Compare
Explore Mateo 18:20
2
Mateo 18:19
“Sinasabi ko rin sa inyo na kung magkasundo ang dalawa sa inyo rito sa mundo na ipanalangin ang anumang bagay, ipagkakaloob ito ng aking Amang nasa langit.
Explore Mateo 18:19
3
Mateo 18:2-3
Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, at sinabi, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit.
Explore Mateo 18:2-3
4
Mateo 18:4
Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.
Explore Mateo 18:4
5
Mateo 18:5
At ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin.
Explore Mateo 18:5
6
Mateo 18:18
“Sinasabi ko sa inyo ang totoo, anuman ang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot ninyo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.
Explore Mateo 18:18
7
Mateo 18:35
“Ganyan din ang gagawin ng aking Amang nasa langit kung hindi kayo buong pusong magpapatawad sa inyong kapwa.”
Explore Mateo 18:35
8
Mateo 18:6
“Ngunit ang sinumang magiging dahilan ng pagkakasala ng maski isa sa maliliit na batang ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pang talian ng gilingang bato sa leeg at lunurin sa pusod ng dagat.
Explore Mateo 18:6
9
Mateo 18:12
“Ano sa palagay ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa at nawala ang isa, hindi baʼt iiwan niya ang siyamnapuʼt siyam sa burol at hahanapin ang nawawala?
Explore Mateo 18:12
Home
Bible
Plans
Videos