Pagkatapos nitoʼy pumasok sina Aaron at Moises sa loob ng Toldang Tipanan. Paglabas nila, muli nilang binasbasan ang mga tao. At ipinakita ng PANGINOON sa mga tao ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng apoy na sumunog sa mga handog na nasa altar. Nang itoʼy makita ng mga tao, nagsigawan sila sa tuwa at nagpatirapa.