Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa upang sumamba sa PANGINOON. Sinabi niya,
“Ipinanganak akong walang dala
at mamamatay din akong
walang dala.
Ang PANGINOON ang nagbigay
ng lahat ng mayroon ako
at ang PANGINOON din
ang kumuha ng mga ito.
Purihin ang pangalan ng PANGINOON!”
Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi nagkasala si Job. Hindi niya sinisi ang Diyos.