Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa mga ito?”
Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.”
Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga batang tupa.”
Muling sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?”
Sumagot si Pedro, “Opo, Panginoon, alam nʼyo pong mahal ko kayo.”
Sinabi ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”
Sa ikatlong ulit ay sinabi ni Hesus, “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba talaga ako?”
Nasaktan si Pedro dahil tatlong beses na siyang tinanong kung mahal niya si Hesus. Kaya sumagot siya, “Panginoon, alam nʼyo po ang lahat ng bagay. Alam nʼyo rin pong mahal ko kayo.”
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.