1
Jeremias 37:17
Ang Salita ng Diyos
ASD
Kinalaunan, ipinakuha ni Haring Zedequias si Jeremias at dinala sa palasyo. Palihim niya itong tinanong, “May mensahe ka ba mula sa PANGINOON?” Sumagot si Jeremias, “Mayroon! Ibibigay ka sa hari ng Babilonia.”
Compare
Explore Jeremias 37:17
2
Jeremias 37:15
Nagalit sila kay Jeremias, ipinapalo nila siya at ipinakulong doon sa bahay ni Jonatan na opisyal na kalihim. Ang bahay na itoʼy ginawa nilang bilangguan.
Explore Jeremias 37:15
3
Jeremias 37:2
Ngunit si Zedequias at ang mga pinuno niya pati ang mga taong pinamamahalaan nila ay hindi rin nakinig sa mensahe ng PANGINOON sa pamamagitan ng propetang si Jeremias.
Explore Jeremias 37:2
4
Jeremias 37:9
Ito pa ang sinabi ng PANGINOON: “Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa pag-aakalang hindi na babalik ang mga taga-Babilonia. Sapagkat tiyak na babalik sila.
Explore Jeremias 37:9