Magiging tiwangwang ang lupaing ito. Ang bansang ito at ang mga bansa sa palibot ay maglilingkod sa hari ng Babilonia sa loob ng pitumpung taon.
“Ngunit pagkatapos ng pitumpung taon, parurusahan ko rin ang hari ng Babilonia pati ang mga mamamayan niya dahil sa mga kasalanan nila,” sabi ng PANGINOON. “At gagawin ko ring tiwangwang ang kanilang lupain sa habang panahon.