Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok
ng PANGINOON,
sa Templo ng Diyos ni Jacob.
Ituturo niya sa atin
ang kanyang pamamaraan
upang lumakad tayo
sa kanyang mga daan.”
Manggagaling sa Zion
ang kautusan PANGINOON,
ang kanyang salita ay lalaganap
mula sa Jerusalem.