1
Isaias 11:2-3
Ang Salita ng Diyos
ASD
Ang Espiritu ng PANGINOON ay mananatili sa kanya, at bibigyan siya ng karunungan at pang-unawa, ng kakayahang magpayo at kalakasan, ng kaalaman at takot sa PANGINOON. Magiging kagalakan niya ang pagsunod sa PANGINOON.
Compare
Explore Isaias 11:2-3
2
Isaias 11:1
May tutubong sanga sa tuod ni Jesse; mula sa mga ugat nito ay sisibol ang isang usbong.
Explore Isaias 11:1
3
Isaias 11:4
Bibigyan niya ng katarungan ang mga mahihirap at ipagtatanggol ang kanilang mga karapatan. Sa pamamagitan ng kanyang salita, parurusahan niya ang mga tao sa mundo at mamamatay ang masasamang tao.
Explore Isaias 11:4
4
Isaias 11:5
Paiiralin niya ang katarungan at katapatan, ito ang magiging pinakasinturon niya.
Explore Isaias 11:5
5
Isaias 11:9
Walang mamiminsala o gigiba sa Zion, ang banal kong bundok. Sapagkat magiging laganap sa buong mundo ang pagkilala sa PANGINOON katulad ng karagatan na puno ng tubig.
Explore Isaias 11:9
6
Isaias 11:6
Sa araw na iyon, ang asong lobo ay maninirahang kasama ng tupa. Mahihigang magkakasama ang kambing at leopardo. Magsasama ang guya at batang leon, at ang mag-aalaga sa kanila ay mga batang paslit.
Explore Isaias 11:6
7
Isaias 11:10
Darating ang araw na ang tagapagmana ng trono ni David ang magsisilbing hudyat sa mga bansa. Darating sila upang humingi ng patnubay sa kanya at ang lugar na tinitirhan niya ay magiging tanyag.
Explore Isaias 11:10