Nang unang magsalita ang PANGINOON sa pamamagitan ni Hoseas, sabi niya, “Mag-asawa ka ng babaeng bayaran, at magkaroon ng mga anak sa kanya. Sapagkat tulad ng babaeng bayaran, matindi ang pagtataksil ng bansang ito sa akin na kanilang PANGINOON nang talikuran nila ako.”