1
Genesis 35:11-12
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi pa ng Diyos sa kanya, “Ako ang Diyos na Makapangyarihan. Magkakaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at ng marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi. Ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa iyong mga lahi.”
Compare
Explore Genesis 35:11-12
2
Genesis 35:3
Pagkatapos, pupunta tayo sa Betel, at gagawa ako roon ng altar upang sumamba sa Diyos na tumulong sa akin noong nasa kahirapan ako, at aking kasama kahit saan ako pumaroon.”
Explore Genesis 35:3
3
Genesis 35:10
Sinabi ng Diyos sa kanya, “Jacob ang pangalan mo, ngunit mula ngayon hindi ka na tatawaging Jacob kundi Israel na.” Kaya naging Israel ang pangalan ni Jacob.
Explore Genesis 35:10
4
Genesis 35:2
Kaya sinabi ni Jacob sa sambahayan niya at sa lahat ng kasama niya, “Itapon ninyo ang inyong mga diyos-diyosan. Maglinis kayo ng inyong mga sarili at magbihis ng malinis na damit.
Explore Genesis 35:2
5
Genesis 35:1
Ngayon, sinabi ng Diyos kay Jacob, “Maghanda ka, pumunta ka sa Betel at doon manirahan. Gumawa ka ng altar doon para sa akin, ang Diyos na nagpakita sa iyo nang tumakas ka sa kapatid mong si Esau.”
Explore Genesis 35:1
6
Genesis 35:18
Isinilang ang sanggol ngunit nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Benoni. Ngunit pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.
Explore Genesis 35:18
Home
Bible
Plans
Videos