1
Genesis 32:28
Ang Salita ng Diyos
ASD
Sinabi ng lalaki, “Simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel dahil nakipagbuno ka sa Diyos at sa mga tao, at ikaw ay nagtagumpay.”
Compare
Explore Genesis 32:28
2
Genesis 32:26
At sinabi ng lalaki, “Bitawan mo na ako dahil mag-uumaga na.” Ngunit sumagot si Jacob, “Hindi kita bibitawan hanggaʼt hindi mo ako babasbasan.”
Explore Genesis 32:26
3
Genesis 32:24
Nang nag-iisa na siya, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno sa kanya. Nagbunuan sila hanggang mag-uumaga.
Explore Genesis 32:24
4
Genesis 32:30
Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Peniel, dahil sinabi niya, “Nakita ko ang mukha ng Diyos ngunit buháy pa rin ako.”
Explore Genesis 32:30
5
Genesis 32:25
Nang mapansin niya na hindi niya matatalo si Jacob, pinisil niya ang balakang ni Jacob at nalinsad ang magkatapat na buto nito.
Explore Genesis 32:25
6
Genesis 32:27
Nagtanong ang lalaki sa kanya, “Anong pangalan mo?” Sumagot siya, “Jacob.”
Explore Genesis 32:27
7
Genesis 32:29
Nagtanong din si Jacob sa kanya, “Sabihin mo rin sa akin ang pangalan mo.” Ngunit sumagot ang lalaki, “Huwag mo nang itanong ang pangalan ko.” Pagkatapos, binasbasan niya si Jacob doon.
Explore Genesis 32:29
8
Genesis 32:10
Hindi po ako karapat-dapat tumanggap ng lahat ng kabutihan at katapatan na ipinakita ninyo sa akin na inyong lingkod. Sapagkat nang tumawid ako noon sa Jordan, wala po akong ibang dala kundi tungkod lang, ngunit ngayon ay may dalawa na po akong grupo.
Explore Genesis 32:10
9
Genesis 32:32
Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ang mga Israelita ay hindi kumakain ng litid sa magkatapat na buto sa balakang ng hayop. Sapagkat sa bahaging iyon pinisil ng Diyos si Jacob.
Explore Genesis 32:32
10
Genesis 32:9
Nanalangin si Jacob, “Diyos ng aking lolo na si Abraham at Diyos ng aking ama na si Isaac, kayo po, PANGINOON, ang nagsabi sa akin na bumalik ako sa mga kamag-anak ko, doon po sa lupain kung saan ako isinilang, at pagpapalain ninyo ako.
Explore Genesis 32:9
11
Genesis 32:11
Hinihiling ko po sa inyo na iligtas nʼyo ako sa kapatid kong si Esau. Natatakot po ako na baka pumunta siya rito at patayin kaming lahat pati na ang mga asawa koʼt mga anak nila.
Explore Genesis 32:11
Home
Bible
Plans
Videos