Sinabi sa kanya ng PANGINOON, “Sino ba ang lumikha ng bibig ng tao? Sino ba ang may kakayahang gawing bingi o pipi ang tao? Sino ba ang nagdedesisyon na makakita o mabulag sila? Hindi ba ako, na PANGINOON? Kaya lumakad ka, dahil tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang mga sasabihin mo.”