Ngunit kung malubha ang nangyari sa babae, parurusahan ang responsable dito katulad ng nangyari sa kanya. Kung namatay ito, papatayin din ang responsable dito. Kung nabulag ito, bubulagin din siya. Kung nabungi ang ngipin nito, bubungiin din siya. Kung nabali ang kamay o paa nito, babaliin din ang kanyang kamay o paa. Kung napaso, papasuin din siya. Kung nasugatan, susugatan din siya. Kung nagalusan, gagalusan din siya.