Isang araw, nang binata na si Moises, pumunta siya sa mga kadugo niya at nakita niya kung paano sila pinapahirapan. Nakita niya ang isang Ehipsiyo na hinahagupit ang isang Hebreo na kadugo niya. Luminga-linga si Moises sa paligid kung may nakatingin. At nang wala siyang nakita, pinatay niya ang Ehipsiyo at ibinaon ang bangkay sa buhangin.