Ipagpatuloy mo rin ang pagtuturo mo sa kanila ng mga tuntunin at kautusan ng Diyos. Turuan mo rin sila kung paano mamuhay at kung ano ang gagawin nila. At pumili ka sa taong-bayan ng mga lalaking may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan, at hindi tumatanggap ng suhol. Gawin mo silang mga pinuno ng mga pangkat na binubuo ng isang libo, isang daan, limampu at sampung tao.