Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Puntahan mo ang Faraon dahil pinatigas ko ang puso niya at ng mga opisyal niya, upang patuloy kong maipakita sa kanila ang aking mga himala. At maikuwento ninyo sa mga anak at apo ninyo kung paano ko pinarusahan ang mga Ehipsiyo at kung paano ako gumawa ng mga himala sa kanila. Sa ganitong paraan, malalaman nilang ako ang PANGINOON.”