“Uutusan ng hari ng hilaga ang kanyang mga sundalo na lapastanganin ang templong kanlungan. Ipapatigil niya ang araw-araw na paghahandog at ilalagay ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo. Aakitin niya sa pamamagitan ng panlilinlang ang mga tumalikod sa banal na kasunduan upang gumawa ng hindi mabuti. Ngunit lakas-loob siyang lalabanan ng mga taong tunay na tapat sa Diyos.