“Darating ang araw,” sabi ng PANGINOON,
na magiging masagana
ang kanilang ani,
hindi pa nga nila natatapos
ang pag-aani,
sinisimulan na naman
ang pag-aararo.
At hindi pa natatapos
ang pagpisa ng ubas,
panahon na naman
ng pagtatanim nito.
Kung titingnan ang napakaraming ubas
na namumunga sa mga bundok at burol,
para bang dumadaloy
ang matamis na bagong katas nito.
Pababalikin ko ang mga mamamayan
kong Israelita
sa kanilang lupain mula
sa pagkakabihag.