Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo. Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan.