Sinabi ni Samuel sa kanila, “Kung taos sa puso ninyo ang pagbabalik-loob sa PANGINOON, itapon ninyo ang inyong mga diyos-diyosan pati na ang mga imahen ni Astoret. Ilaan ninyo ang inyong buhay sa PANGINOON lamang at siya lang ang inyong paglingkuran. Kung gagawin ninyo ang mga ito, ililigtas niya kayo sa kamay ng mga Filisteo.”