Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,
pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.
Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan;
o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?
Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti,
pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.