Kaya't magpakatalino kayo, mga hari ng mundo,
ang babalang ito'y unawain ninyo:
Paglingkuran ninyo si Yahweh nang may takot at paggalang,
sa paanan ng kanyang anak yumukod kayo't magparangal,
baka magalit siya't bigla kayong parusahan.
Mapalad ang taong ang Diyos ang kanlungan.