Psalm 115:13-16

Sa lahat ng mayro'ng takot kay Yahweh, lahat mapagpapala, kung magpala'y pantay-pantay, sa hamak man o dakila. Sana kayo'y paramihin, kayo at ang inyong angkan, anak ninyo ay dumami, lumaki ang inyong bilang. Pagpalain sana kayo, pagpalain kayong lubos, pagpalain ng lumikha ng langit at sansinukob. Si Yahweh ang may-ari ng buong sangkalangitan, samantalang ang daigdig, sa tao niya ibinigay.
Mga Awit 115:13-16