Mga Taga-Filipos 1:21-24

Sapagkat para sa akin, si Cristo ang aking buhay at kahit kamatayan ay pakinabang. Ngunit kapag ako'y mananatiling buháy, ito'y kapaki-pakinabang din sapagkat ako'y makakagawa pa ng mabubuting bagay. Hindi ko malaman kung alin ang aking pipiliin. May pagtatalo sa loob ko; gusto ko nang pumanaw sa mundong ito upang makapiling ni Cristo, sapagkat ito ang lalong mabuti para sa akin. Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito.
Mga Taga-Filipos 1:21-24