MARCOS 1:1-3

Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos. Nagsimula ito noong matupad ang isinulat ni propeta Isaias, “Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo; ihahanda niya ang iyong daraanan. Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”
Marcos 1:1-3