Matthew 25:31-33

“Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Inilalagay nito sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing.
Mateo 25:31-33