Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: mark 12:31

Mateo 12:31 (RTPV05)

Kaya't sinasabi ko sa inyo, mapapatawad ang anumang kasalanan at paglapastangan, ngunit hindi patatawarin ang anumang paglapastangan sa Espiritu.

Lucas 12:31 (RTPV05)

Subalit, pagsikapan muna nang higit sa lahat na kayo'y pagharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”

Exodo 12:31 (RTPV05)

Nang gabi ring iyo'y ipinatawag ng Faraon sina Moises at Aaron at kanyang sinabi, “Sige, umalis na kayo sa Egipto! Lumakad na kayo at sumamba kay Yahweh tulad ng hinihiling ninyo.

Nehemias 12:31 (RTPV05)

Isinama ko sa ibabaw ng pader ng lunsod ang mga pinuno ng Juda. Pinamahala ko sila sa dalawang malaking pangkat ng mga mang-aawit na lilibot sa lunsod upang magpasalamat. Ang isang pangkat ay lumakad na papuntang kanan sa ibabaw ng pader patungo sa pintuang papunta sa tapunan ng basura.

Marcos 12:31 (RTPV05)

Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”

Juan 12:31 (RTPV05)

Panahon na upang hatulan ang mundong ito. Panahon na rin upang hatulan ang pinuno ng mundong ito.

Deuteronomio 12:31 (RTPV05)

Huwag ninyong gagawin kay Yahweh ang karumal-dumal na gawain nila sa pagsamba sa kanilang diyus-diyosan gaya ng pagsusunog ng kanilang anak bilang handog.

2 Samuel 12:31 (RTPV05)

Binihag niya ang mga mamamayan, at pumili siya sa mga ito ng mga kantero, panday at karpintero, at pinagawa niya ng mga adobe. Ganito ang ginawa ni David sa lahat ng lunsod ng mga Ammonita bago sila nagbalik sa Jerusalem.

1 Mga Hari 12:31 (RTPV05)

Nagtayo pa siya ng mga sambahan sa burol at naglagay ng mga paring hindi mula sa lipi ni Levi.

Jeremias 31:12 (RTPV05)

Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa patungo sa Bundok ng Zion, puspos ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ni Yahweh: saganang trigo, bagong alak at langis, at maraming bakahan at kawan ng tupa. Matutulad sila sa isang halamanang dinidilig, hindi na sila muling magkukulang.

Ezekiel 31:12 (RTPV05)

Ibubuwal siya ng mararahas na bansa, saka iiwan. Mga sanga nito ay bali-baling babagsak sa mga bundok, kapatagan at tubigan. Mag-aalisan ang mga taong sumisilong sa kanya.

Exodo 31:12 (RTPV05)

Sinabi ni Yahweh kay Moises,

Job 31:12 (RTPV05)

Pagkat iyon ay apoy na di mamamatay, at iyon ang tutupok sa aking buong kabuhayan.

Genesis 31:12 (RTPV05)

Ang sabi sa akin, ‘Jacob, masdan mo ang lahat ng mga barakong kambing, silang lahat ay may batik. Ginawa ko ito sapagkat alam kong dinadaya ka ni Laban.

Deuteronomio 31:12 (RTPV05)

Tipunin ninyong lahat ang mga lalaki, babae, bata, pati ang mga dayuhang kasama ninyo upang marinig nila ang kautusang ito. Sa ganoon, matututo silang matakot sa Diyos ninyong si Yahweh at sumunod sa kanyang mga utos.

1 Mga Taga-Corinto 12:31 (RTPV05)

Kaya't buong sikap ninyong hangarin ang mga kaloob na mas dakila. At ngayo'y ituturo ko sa inyo ang walang katulad sa lahat.

Mga Kawikaan 31:12 (RTPV05)

Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.

Mga Awit 31:12 (RTPV05)

Para akong patay na kanilang nakalimutan, parang sirang gamit na hindi na kailangan.

Mga Bilang 31:12 (RTPV05)

Lahat ng kanilang nasamsam ay iniuwi nila sa kanilang kampo na nasa kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, at tapat ng Jerico. Dinala nila ang mga ito kay Moises, sa paring si Eleazar, at sa sambayanang Israel.

1 Samuel 31:12 (RTPV05)

nagtipun-tipon ang mga magigiting na mandirigma. Magdamag silang naglakbay, at kinuha sa Bethsan. Dinala nila ang mga ito sa Jabes, at doon sinunog.

2 Mga Cronica 31:12 (RTPV05)

upang doon ilagay ang mga kaloob at mga ikasampung bahagi. Si Conanias na isang Levita ang ginawa nilang katiwala sa lahat ng ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na si Simei.

Jeremias 2:31 (RTPV05)

Pakinggan ninyong mabuti ang sinasabi ko. Wala ba kayong napakinabangan sa akin? Ako ba'y naging parang tigang na lupa sa inyo? Bakit sinasabi ninyong malaya na kayong gawin ang inyong maibigan, at hindi na kayo babalik sa akin?

Jeremias 52:31 (RTPV05)

Noong ikadalawampu't limang araw ng ikalabindalawang buwan, ng ikatatlumpu't pitong taon ng pagkakabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, pumalit na hari sa Babilonia si Evil-merodac. Naging mabuti ito kay Haring Jehoiakin ng Juda at pinalabas siya sa bilangguan;

Ezekiel 32:31 (RTPV05)

“Kapag nakita sila ng Faraon, makadarama siya ng kasiyahan, pagkat siya man at ang kanyang buong hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak.

Daniel 2:31 (RTPV05)

“Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan.