Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: james 1:27

1 Samuel 27:1 (RTPV05)

Sinabi ni David sa kanyang sarili, “Balang araw ay mahuhuli rin ako ni Saul kapag hindi ako umalis dito. Ang mabuti pa'y magtago na lang ako sa lupain ng mga Filisteo. Baka hindi na niya ako habulin kung hindi na niya ako makita sa lupain ng Israel. Ito na lamang ang paraan upang makaligtas ako sa kanya.”

1 Samuel 27:2 (RTPV05)

Kaya, isinama niya ang animnaraan niyang tauhan at nagpunta sila kay Aquis na anak ni Maoc at hari ng Gat.

1 Samuel 27:3 (RTPV05)

Doon nanirahan sina David, kasama ang mga asawa niyang si Ahinoam na taga-Jezreel at si Abigail na biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Kasama naman ng kanyang mga tauhan ang kani-kanilang pamilya.

1 Samuel 27:4 (RTPV05)

Nang mabalitaan ni Saul na si David ay nasa Gat, itinigil nga niya ang paghahanap dito.

1 Samuel 27:5 (RTPV05)

Sinabi ni David kay Aquis, “Kung mamarapatin mo, bigyan mo kami ng isang maliit na bayan sa lalawigan upang doon manirahan. Hindi nararapat na kami ay kasama mong naninirahan dito sa iyong maharlikang lunsod.”

1 Samuel 27:6 (RTPV05)

Ibinigay naman sa kanya ni Aquis ang Ziklag, kaya hanggang ngayon, ito ay sakop ng hari ng Juda.

1 Samuel 27:7 (RTPV05)

At sila'y isang taon at apat na buwang nanirahan sa lupain ng mga Filisteo.

1 Samuel 27:8 (RTPV05)

Sa loob ng panahong iyon, sinalakay nina David ang mga Gesureo, ang mga Girzita at ang mga Amalekita na matagal nang naninirahan doon; umabot sila sa Shur at hanggang sa Egipto.

1 Samuel 27:9 (RTPV05)

Bawat lugar na salakayin nila ay wala silang itinitirang buháy, maging lalaki man o babae. At bago bumalik kay Aquis, sinasamsam nila ang lahat ng kanilang makita: tupa, baka, asno, kamelyo at mga damit.

1 Samuel 27:10 (RTPV05)

Kapag tinatanong siya ni Aquis kung alin ang sinalakay nila, sinasabi niyang ang gawing timog ng Juda, timog ng Jerameel o kaya'y ang lupain ng Cineo.

1 Samuel 27:11 (RTPV05)

Pinapatay nga niyang lahat ang nakatira sa alinmang lugar na salakayin niya para walang makapagbalita sa Gat na ang lugar na iyon ang kanilang nilusob. Palaging ganoon ang ginagawa nina David sa buong panahon ng paninirahan nila sa lupain ng mga Filisteo.

1 Samuel 27:12 (RTPV05)

Si Aquis naman ay labis na nagtiwala sa kanya, sapagkat akala niya'y masamang-masama na si David sa mga Israelita at dahil doo'y maaalipin na niya ito habang panahon.

1 Mga Cronica 27:1 (RTPV05)

Ito ang listahan ng mga Israelitang pinuno ng kani-kanilang angkan at mga pinuno ng libu-libo at daan-daan, gayundin ang mga pinuno ng hukbong naglingkod sa hari. Sila ay pinagpangkat-pangkat ng tig-24,000 at maglilingkod bawat buwan sa pangunguna ng kani-kanilang pinuno.

1 Mga Cronica 27:2 (RTPV05)

Si Jasobeam, anak ni Zabdiel, ang namahala sa pangkat na naglingkod sa unang buwan. Siya'y namuno sa 24,000 katao.

1 Mga Cronica 27:3 (RTPV05)

Mula siya sa angkan ni Peres, at siya ang pangkalahatang pinuno.

1 Mga Cronica 27:4 (RTPV05)

Si Dodai na taga-Aho ang namahala sa ikalawang buwan.

1 Mga Cronica 27:5 (RTPV05)

Ang namahala naman sa ikatlong buwan ay si Benaias, anak ng paring si Joiada.

1 Mga Cronica 27:6 (RTPV05)

Siya ang Benaias na pinuno ng Tatlumpung Matatapang na Mandirigma. Ang namahala sa kanyang pangkat ay ang anak niyang si Amizabad.

1 Mga Cronica 27:19 (RTPV05)

sa lipi ni Zebulun ay si Ismaias na anak ni Obadias; sa lipi ni Neftali ay si Jerimot na anak ni Azriel;

1 Mga Cronica 27:20 (RTPV05)

sa lipi ni Efraim ay si Hosea na anak ni Azarias; sa kalahating lipi ni Manases ay si Joel na anak ni Pedaias.

1 Mga Cronica 27:21 (RTPV05)

Ang namahala naman sa kalahating lipi ni Manases na nasa Gilead ay si Iddo na anak ni Zacarias; sa lipi ni Benjamin ay si Jaasiel na anak ni Abner;

1 Mga Cronica 27:22 (RTPV05)

at sa lipi naman ni Dan ay si Azarel na anak ni Jeroham.

1 Mga Cronica 27:23 (RTPV05)

Hindi na ibinilang ni David sa sensus ang mga Israelitang wala pang dalawampung taóng gulang sapagkat ipinangako ng Diyos na pararamihin niyang sindami ng mga bituin sa langit ang mga Israelita.

1 Mga Cronica 27:24 (RTPV05)

Ang sensus ay sinimulan ni Joab, anak ni Zeruias ngunit hindi niya ito natapos sapagkat nagalit ang Diyos sa Israel sa ginawang ito. Kaya't hindi na napabilang ang mga ito sa listahan ni Haring David.

1 Mga Cronica 27:25 (RTPV05)

Ang namahala sa mga kabang-yaman ng hari ay si Azmavet na anak ni Abdiel, ngunit sa mga kayamanang nasa mga lalawigan, lunsod, nayon, at ang nasa mga tore, ang namahala ay si Jonatan na anak ni Uzias.