Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: genesis 1:27

Genesis 1:27 (RTPV05)

Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae,

Genesis 27:1 (RTPV05)

Si Isaac ay matanda na at halos hindi na makakita, kaya ipinatawag niya si Esau, ang anak niyang panganay.

Genesis 27:2 (RTPV05)

Sinabi niya rito, “Anak, matanda na ako at malapit nang mamatay.

Genesis 27:3 (RTPV05)

Pumunta ka sa parang at mangaso. Ihuli mo ako ng hayop

Genesis 27:4 (RTPV05)

at lutuin ang putahing gusto ko. Pagkakain ko'y igagawad ko sa iyo ang aking basbas bago ako mamatay.”

Genesis 27:5 (RTPV05)

Nakikinig pala si Rebeca samantalang kinakausap ni Isaac si Esau. Kaya't nang umalis ito upang sundin ang bilin ng ama,

Genesis 27:6 (RTPV05)

tinawag ni Rebeca si Jacob at sinabi, “Narinig ko ang sinabi ng iyong ama kay Esau:

Genesis 27:7 (RTPV05)

‘Ihuli mo ako ng hayop at lutuin mo para sa akin. Pagkakain ko, babasbasan kita sa harapan ni Yahweh bago ako mamatay.’

Genesis 27:8 (RTPV05)

Kaya't ganito ang gawin mo, anak:

Genesis 27:9 (RTPV05)

Kumuha ka agad ng dalawang kambing na mataba at iluluto ko para sa iyong ama. Ipaghahanda ko siya ng pagkaing gustung-gusto niya,

Genesis 27:10 (RTPV05)

at ipakain mo sa kanya upang ikaw ang mabigyan ng basbas bago siya mamatay!”

Genesis 27:11 (RTPV05)

Ngunit sumagot si Jacob sa kanyang ina, “Balbon po si Esau, samantalang ako'y hindi.

Genesis 27:12 (RTPV05)

Malalaman ng aking ama na nililinlang ko siya kapag ako'y kanyang nahipo; susumpain niya ako sa halip na basbasan.”

Genesis 27:13 (RTPV05)

Sumagot ang ina, “Hayaan mong sa akin tumalab ang anumang sumpa niya. Basta't sumunod ka, anak; ako na ang bahala. Kumuha ka na ng kambing.”

Genesis 27:14 (RTPV05)

Kumuha nga si Jacob ng kambing, at iniluto ng kanyang ina ang putahing gustung-gusto ng kanyang ama.

Genesis 27:15 (RTPV05)

Binihisan ni Rebeca si Jacob ng pinakamagarang damit ni Esau na nakatabi sa bahay.

Genesis 27:16 (RTPV05)

Ang mga braso at leeg ni Jacob na walang balahibo'y binalutan niya ng balat ng kambing.

Genesis 27:17 (RTPV05)

Pagkatapos, ipinadala sa anak ang putahe na may kasama pang tinapay na niluto rin niya.

Genesis 27:18 (RTPV05)

Lumapit si Jacob kay Isaac. “Ama!” sabi niya. “Sino ka ba?” tanong nito.

Genesis 27:19 (RTPV05)

“Ako po si Esau,” sagot ni Jacob. “Nagawa ko na po ang inyong iniuutos sa akin. Narito na po ang gusto ninyong pagkain; bumangon na kayo at kainin na ninyo ito nang ako'y mabasbasan na ninyo pagkatapos.”

Genesis 27:20 (RTPV05)

“Napakadali mo naman yatang nakahuli?” tanong ni Isaac. “Tinulungan po ako ni Yahweh na inyong Diyos,” sagot ni Jacob.

Genesis 27:21 (RTPV05)

Nagtanong muli si Isaac, “Ikaw ba talaga si Esau? Lumapit ka nga rito nang matiyak ko kung ikaw nga.”

Genesis 27:22 (RTPV05)

Lumapit naman si Jacob at siya'y hinawakan ng ama. “Kay Jacob ang tinig ngunit ang bisig ay parang kay Esau!” wika ni Isaac.

Genesis 27:23 (RTPV05)

Hindi niya nakilala si Jacob, sapagkat ang mga bisig nito'y mabalahibo ring tulad ng kay Esau. Babasbasan na sana ni Isaac si Jacob,

Genesis 27:24 (RTPV05)

ngunit muli pang nagtanong, “Ikaw nga ba si Esau?” “Ako nga po,” tugon ni Jacob.