Mga resulta para sa: Philippians 4:6
Exodo 4:6 (RTPV05)
“Ipasok mo ang iyong kamay sa damit mo, sa tapat ng iyong dibdib,” utos ni Yahweh. Gayon nga ang ginawa ni Moises at nang ilabas niya, ito'y nagkaroon ng sakit sa balat na parang ketong na kasimputi ng niyebe.
Deuteronomio 4:6 (RTPV05)
Unawain ninyo ito at sunding mabuti. Sa gayon makikita ng ibang bansa ang inyong karunungan at pang-unawa. Kaya't masasabi nila: ‘Ang dakilang bansang ito'y matalino at may malawak na pagkaunawa.’
Josue 4:6 (RTPV05)
Ang mga batong ito ang magpapaalaala sa bayang Israel sa mga ginawa ni Yahweh. Kung sa panahong darating ay itanong ng inyong mga anak kung ano ang kahulugan ng mga batong iyan,
Nehemias 4:6 (RTPV05)
Lalo kaming nagpatuloy sa pagtatayo ng pader, kaya't hindi nagtagal at nangalahati na ang taas nito dahil masigasig ang mga tao sa pagtatrabaho.
Ester 4:6 (RTPV05)
Pinuntahan nga ni Hatac si Mordecai sa labas ng palasyo.
Job 4:6 (RTPV05)
Di ba't may takot ka sa Diyos at masunurin sa kanya? Kaya dapat magtiwala ka at magkaroon ng pag-asa.
Ezra 4:6 (RTPV05)
Sa simula ng paghahari ni Xerxes, ang mga kaaway ng mga Judiong naninirahan sa Juda at Jerusalem ay nagpalabas ng mga nakasulat na paratang laban sa kanila.
Jeremias 4:6 (RTPV05)
Ituro ang daang patungo sa Zion! Magtago na kayo at huwag magpaliban! Mula sa hilaga'y magpapadala si Yahweh ng lagim at pagkawasak.
Ezekiel 4:6 (RTPV05)
Pagkatapos, bumiling ka sa kanan upang dalhin ang kaparusahan ng Juda sa loob ng apatnapung araw. Bawat araw ay katumbas ng isang taon.
Hosea 4:6 (RTPV05)
Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak.
Malakias 4:6 (RTPV05)
Muling magkakasundo ang mga ama at ang mga anak. Kung hindi'y mapipilitan akong magtungo riyan at ganap na wasakin ang inyong bayan.”
Marcos 4:6 (RTPV05)
Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y hindi ito masyadong nag-ugat.
Lucas 4:6 (RTPV05)
Sinabi ng diyablo, “Ibibigay ko sa iyo ang pamamahala sa lahat ng kahariang ito at ang kadakilaan nito. Ipinagkaloob ito sa akin, at maibibigay ko sa kaninumang naisin ko.
Juan 4:6 (RTPV05)
Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil siya'y napagod sa paglalakbay, umupo si Jesus sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon.
Santiago 4:6 (RTPV05)
Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay niya sa atin. Kaya't sinasabi ng kasulatan, “Ang Diyos ay laban sa mga mapagmataas ngunit nalulugod sa mga mapagpakumbabá.”
Pahayag 4:6 (RTPV05)
Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal. Sa apat na panig ng trono ay may apat na buháy na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod.
Genesis 4:6 (RTPV05)
Kaya't sinabi ni Yahweh, “Anong ikinagagalit mo, Cain? Bakit ganyan ang mukha mo?
Levitico 4:6 (RTPV05)
Itutubog niya sa dugo ang kanyang daliri at sa harapan ko ay wiwisikan niya ng pitong beses ang tabing ng santuwaryo.
Ruth 4:6 (RTPV05)
Pagkarinig niyon, sumagot ang lalaki, “Kung ganoon, hindi ko na gagamitin ang aking karapatan, sapagkat manganganib namang mawala ang sarili kong mana. Ikaw na ang bumili.”
Isaias 4:6 (RTPV05)
magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan kapag may bagyo at ulan.
Daniel 4:6 (RTPV05)
Kaya, ipinatawag ko ang mga tagapayo ng Babilonia upang ipaliwanag sa akin ang panaginip na iyon.
Amos 4:6 (RTPV05)
“Ginutom ko kayo sa bawat lunsod; walang tinapay na makain sa bawat bayan, gayunma'y hindi kayo nanumbalik sa akin.
Jonas 4:6 (RTPV05)
Pinatubo ng Diyos na si Yahweh sa may tabi ni Jonas ang isang malagong halaman na nagbibigay ng lilim sa kanya. Labis naman itong ikinagalak ni Jonas.
Mikas 4:6 (RTPV05)
Sinabi pa ni Yahweh, “Darating ang panahong titipunin ko ang mga napilayan at ang mga binihag, gayundin ang aking mga pinarusahan.
Zacarias 4:6 (RTPV05)
Sinabi sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.