Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga resulta para sa: John 3:16

Juan 3:16 (RTPV05)

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

2 Timoteo 3:16 (RTPV05)

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay,

Exodo 3:16 (RTPV05)

Lumakad ka na at tipunin mo ang mga pinuno ng Israel. Sabihin mo sa kanilang nagpakita ako sa iyo, akong si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Sabihin mong ako'y bumabâ at nakita ko ang ginagawa sa kanila ng mga Egipcio.

Deuteronomio 3:16 (RTPV05)

Sa mga lipi naman nina Ruben at Gad ay ibinigay ko ang lupain mula sa Gilead hanggang sa kalagitnaan ng Ilog Arnon. Ang Ilog Arnon ang hangganan nito sa timog at ang Ilog Jabok naman sa hilaga. Dito naman nagsimula ang lupain ng lahi ni Ammon.

Josue 3:16 (RTPV05)

tumigil ang pag-agos ng tubig, at ang tubig ay natipon sa tapat ng bayan ng Adam, lunsod na nasa tabi ng Zaretan. Samantala, ang agos na pababa sa Dagat na Patay, sa Araba, ay nagpatuloy hanggang sa natuyo ang ilog at nakatawid ang mga Israelita. Malapit sa Jerico ang kanilang tinawiran.

Nehemias 3:16 (RTPV05)

Mula naman doon hanggang sa tapat ng libingan ni David, tipunan ng tubig at ng himpilan ng mga bantay, ang nag-ayos ay ang anak ni Azbuk na si Nehemias, pinuno ng kalahating distrito ng Beth-sur.

Job 3:16 (RTPV05)

o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag.

Jeremias 3:16 (RTPV05)

At kung dumami na kayo sa lupaing iyon, hindi na pag-uusapan ng mga tao ang tungkol sa Kaban ng Tipan ni Yahweh. Hindi na nila ito iisipin o aalalahanin. Hindi na rin nila ito kakailanganin o gagawa ng isa pa.

Ezekiel 3:16 (RTPV05)

Pagkaraan ng pitong araw, sinabi sa akin ni Yahweh,

Joel 3:16 (RTPV05)

Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig; nanginginig ang langit at lupa. Subalit ipagtatanggol niya ang kanyang bayan.

Malakias 3:16 (RTPV05)

Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may paggalang kay Yahweh. Pinakinggan niyang mabuti ang kanilang usapan, kaya ipinatala niya sa isang aklat ang mga pangalan ng mga gumagalang sa kanya.

Marcos 3:16 (RTPV05)

Ito ang labindalawang hinirang niya: si Simon, na pinangalanan niyang Pedro;

Santiago 3:16 (RTPV05)

Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.

Pahayag 3:16 (RTPV05)

Ngunit dahil sa ikaw ay maligamgam, hindi mainit ni malamig, isusuka kita!

Genesis 3:16 (RTPV05)

Sa babae nama'y ito ang sinabi: “Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”

Levitico 3:16 (RTPV05)

Lahat ng ito'y ibibigay niya sa pari at susunugin sa altar bilang pagkaing handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. Lahat ng taba ay kay Yahweh.

Ruth 3:16 (RTPV05)

Nang makita siya ng kanyang biyenan ay tinanong siya nito, “Kumusta ang lakad mo, anak?” At sinabi ni Ruth ang buong pangyayari.

Isaias 3:16 (RTPV05)

At sinabi ni Yahweh, “Palalo ang mga anak na babae ng Jerusalem, taas-noo kung lumakad, pasulyap-sulyap kung tumingin, pakendeng-kendeng kung humakbang, at pinakakalansing pa ang mga alahas sa paa.

Daniel 3:16 (RTPV05)

Sinabi nina Shadrac, Meshac at Abednego, “Mahal na haring Nebucadnezar, wala po kaming masasabi sa inyo tungkol sa bagay na ito.

Nahum 3:16 (RTPV05)

Pinarami mo ang iyong mangangalakal; higit pa sila sa mga bituin sa kalangitan! Ngunit wala na sila ngayon, tulad ng mga balang na nagbubuka ng kanilang mga pakpak upang lumipad palayo.

Habakuk 3:16 (RTPV05)

Narinig kong lahat ito at ako'y nanginig; nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ang aking katawan, at ako'y nalugmok. Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin.

Zefanias 3:16 (RTPV05)

Sa araw na iyon ay sasabihin sa Jerusalem, “Huwag kang matakot, Zion; huwag kang panghinaan ng loob.

Mateo 3:16 (RTPV05)

Nang siya'y mabautismuhan, umahon si Jesus sa tubig. Biglang nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya.

Lucas 3:16 (RTPV05)

Dahil dito sinabi niya sa kanila, “Binabautismuhan ko kayo sa pamamagitan ng tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo at ng apoy. Siya'y higit na makapangyarihan kaysa akin; ni hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas.

Mga Taga-Colosas 3:16 (RTPV05)

Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos.