Mga resulta para sa: Jeremiah 29:11
Jeremias 29:11 (RTPV05)
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Isaias 29:11 (RTPV05)
Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, “Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara.”
Exodo 29:11 (RTPV05)
Papatayin mo ang batang toro sa harapan ni Yahweh, sa may pintuan ng Toldang Tipanan.
Job 29:11 (RTPV05)
“Kapag ako'y nakita at kanilang narinig, sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.
Ezekiel 29:11 (RTPV05)
Sa loob ng apatnapung taon, walang tao o hayop na tutuntong dito ni titira.
Genesis 29:11 (RTPV05)
Pagkatapos, nilapitan niya ang dalaga at hinagkan; napaiyak siya sa tuwa.
Deuteronomio 29:11 (RTPV05)
ang inyong mga asawa at mga anak, at kahit ang mga dayuhang nagsisibak ng kahoy at nag-iigib ng tubig para sa inyo—
Mga Kawikaan 29:11 (RTPV05)
Kung magalit ang mangmang ay walang pakundangan, ngunit ang matalino'y nagpipigil na ang galit niya'y mahalata.
Mga Awit 29:11 (RTPV05)
Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.
Mga Bilang 29:11 (RTPV05)
Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa kapatawaran ng kasalanan ng bayan. Ito ay bukod pa sa pang-araw-araw na handog para sa kapatawaran ng kasalanan, handog na susunugin, at handog na pagkaing butil at inumin.
1 Samuel 29:11 (RTPV05)
Kinabukasan ng umaga, si David at ang mga tauhan nito'y nagbalik sa lupain ng mga Filisteo; nagpatuloy naman ang mga Filisteo ng pagsugod sa Jezreel.
1 Mga Cronica 29:11 (RTPV05)
Sa inyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagtatagumpay sapagkat inyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa. Sa inyo ang kaharian at kayo ang dakila sa lahat.
2 Mga Cronica 29:11 (RTPV05)
Mga anak, huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Kayo ang pinili ni Yahweh na mag-alay ng handog at magsunog ng insenso at manguna sa pagsamba sa kanya.”
Mateo 11:29 (RTPV05)
Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan
Marcos 11:29 (RTPV05)
Sumagot si Jesus, “Tatanungin ko kayo. Sagutin ninyo ito at sasabihin ko sa inyo kung kanino galing ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito.
Nehemias 11:29 (RTPV05)
sa En-rimon, Zora, Jarmut,
Daniel 11:29 (RTPV05)
“Pagdating ng takdang araw, sasalakayin niyang muli ang Egipto, ngunit sa pagkakataong iyon, ang mangyayari'y hindi tulad noong una.
Lucas 11:29 (RTPV05)
Nang dumagsa ang mga tao, sinabi ni Jesus, “Napakasama ng mga tao sa panahong ito. Naghahanap sila ng palatandaang mula sa langit, subalit walang palatandaang ipapakita sa kanila maliban sa nangyari kay Jonas.
Juan 11:29 (RTPV05)
Pagkarinig nito'y nagmadaling tumayo si Maria upang salubungin si Jesus.
Genesis 11:29 (RTPV05)
Napangasawa ni Abram si Sarai at napangasawa naman ni Nahor si Milca na anak ni Haran na ama rin ni Isca.
Levitico 11:29 (RTPV05)
“Sa mga hayop na naglipana sa lupa, ituturing ninyong marumi ang mga sumusunod: ang bubuwit, ang daga, at lahat ng uri ng bayawak;
Deuteronomio 11:29 (RTPV05)
Kapag nadala na kayo ni Yahweh sa lupaing inyong sasakupin at aariin, ang pagpapala ay bibigkasin ninyo sa Bundok ng Gerizim at ang sumpa'y sa Bundok ng Ebal.
Mga Kawikaan 11:29 (RTPV05)
Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.
Mga Gawa 11:29 (RTPV05)
Napagpasyahan ng mga mananampalataya na magpadala ng tulong sa mga kapatid na naninirahan sa Judea, ayon sa kakayanan ng bawat isa.
Mga Hebreo 11:29 (RTPV05)
Dahil sa pananampalataya sa Diyos, nakatawid ang mga Israelita sa Dagat na Pula na parang lumalakad sa tuyong lupa, samantalang nalunod naman ang mga Egipcio nang ang mga ito'y tumawid.