Mga resulta para sa: igos
Juan 1:48 (ASD)
Tinanong siya ni Natanael, “Paano ninyo ako nakilala?” Sumagot si Hesus, “Bago ka pa man tawagin ni Felipe, nakita na kita noong nasa ilalim ka ng puno ng igos.”
Mga Bilang 20:5 (ASD)
Bakit ba pinalabas mo pa kami sa Ehipto at dinala dito sa walang kuwentang lugar na kahit trigo, igos, ubas o pomegranata ay wala? At walang tubig na maiinom!”
Micas 4:4 (ASD)
Ang bawat tao ay uupo sa ilalim ng kanilang tanim na ubas at puno ng igos nang walang kinatatakutan. Mangyayari ito, dahil sinabi ito ng Panginoon ng mga Hukbo.
1 Samuel 30:12 (ASD)
Binigyan din nila ang Ehipsiyo ng kapirasong tuyong igos at dalawang tumpok ng pasas, dahil tatlong araw na siyang hindi kumakain ni umiinom. Pagkatapos niyang kumain, nanumbalik ang kanyang lakas.
Isaias 38:21 (ASD)
Noong hindi pa gumagaling si Ezequias, sinabi sa kanya ni Isaias na patapalan niya sa kanyang mga katulong ng dinikdik na bunga ng igos ang bukol niya upang gumaling ito.
Jeremias 24:3 (ASD)
Pagkatapos, nagtanong sa akin ang Panginoon , “Jeremias, ano ang nakita mo?” Sumagot ako, “Mga igos po. Ang ibaʼy maganda at sariwa, pero ang iba ay bulok at hindi na makain.”
Hageo 2:19 (ASD)
Kahit wala nang natirang trigo, at wala nang bunga ang mga ubas at ang mga kahoy ng igos, pomegranata, at olibo, pagpapalain naman kayo ng Panginoon simula sa araw na ito.”
Lucas 13:6 (ASD)
Pagkatapos, ikinuwento ni Hesus ang talinghaga na ito: “May isang taong may tanim na puno ng igos sa ubasan niya. Pinuntahan niya ito upang tingnan kung may bunga, pero wala siyang nakita.
Jeremias 8:13 (ASD)
“Lubos ko silang lilipulin,” sabi ng Panginoon . “Sisirain ko ang mga bunga ng kanilang mga ubas at igos; pati ang mga dahon nitoʼy malalanta. Ang mga ibinigay ko sa kanila ay mawawala.”
Habakuk 3:17 (ASD)
Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihín sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan,
2 Mga Hari 20:7 (ASD)
Pagkatapos, sinabi ni Isaias sa mga utusan ng hari, “Kumuha kayo ng nilupak na igos.” Iyon nga ang ginawa nila at saka itinapal nila ito sa namamagang bukol ng hari, at gumaling siya.
Nahum 3:12 (ASD)
Ang lahat ng inyong mga napapaderang lungsod ay magiging parang mga puno ng igos na ang unang bunga ay hinog na; at kapag inuga ang puno, malalaglag ang mga bunga at maaari nang kainin.
Genesis 3:7 (ASD)
Pagkatapos nilang kumain, nalaman nila kung ano ang mabuti at ang masama, at napansin nila na hubad pala sila. Kaya pinagtagni-tagni nila ang mga dahon ng puno ng igos upang ipantakip sa kanilang katawan.
1 Mga Hari 4:25 (ASD)
Kaya habang nabubuhay si Solomon, may kapayapaan sa Juda at sa Israel, mula Dan hanggang sa Beer-seba. Ang bawat tao ay payapang nakaupo sa ilalim ng kanyang tanim na ubas at puno ng igos.
Isaias 34:4 (ASD)
Maglalaho ang lahat ng bituin sa kalangitan, at ang kalawakan ay bibilutin na parang kasulatan. Mahuhulog ang lahat ng bagay sa langit na parang nalalantang mga dahon ng ubas o nalalagas na bunga ng igos.
Jeremias 5:17 (ASD)
Uubusin nila ang inyong mga ani, pagkain, hayop, ubas, at mga igos ninyo. Papatayin nila ang iyong mga hayop at ang inyong mga anak. Wawasakin nila ang inyong mga napapaderang lungsod, na siyang inaasahan ninyo.
Zacarias 3:10 (ASD)
“Sa araw na iyon, aanyayahan ng bawat isa sa inyo ang inyong mga kapitbahay na umupo sa ilalim ng inyong mga ubasan at puno ng igos. Ako, ang Panginoon ng mga Hukbo, ang nagsasabi nito.”
Isaias 28:4 (ASD)
Ang lungsod na ito ay nasa matabang lambak, ngunit ang kagandahan nito ay mawawala katulad ng bulaklak na nalalanta. Malalagas agad ito katulad ng unang mga bunga ng igos na kinukuha at kinakain agad ng bawat makakita.
Jeremias 24:8 (ASD)
“ ‘Ngunit si Haring Zedequias ng Juda ay ituturing kong parang bulok na igos na hindi na makakain,’ sabi ng Panginoon , pati ang kanyang mga pinuno at ang lahat ng Israelitang natitirang buháy sa Jerusalem o sa Ehipto.
Hoseas 2:12 (ASD)
Sisirain ko ang mga ubasan niya at mga puno ng igos na ibinayad daw sa kanya ng kanyang mga lalaki. Gagawin ko itong parang gubat at kakainin ng mga mababangis na hayop sa gubat ang mga bunga nito.
Mateo 21:19 (ASD)
May nakita siyang puno ng igos sa tabi ng daan, kaya nilapitan niya ito. Ngunit wala siyang nakitang bunga kundi puro mga dahon. Kaya sinabi niya sa puno, “Hindi ka na mamumunga kailanman!” At agad na natuyo ang puno.
Mga Bilang 13:23 (ASD)
Pagdating nila sa Lambak ng Eshcol, pumutol sila ng isang kumpol ng ubas. Masyadong mabigat ito kaya itinali nila ito sa isang tukod at magkatulong na binuhat ng dalawang tao. Nagdala rin sila ng mga prutas na pomegranata at igos.
Lucas 13:7 (ASD)
Kaya sinabi niya sa tagapag-alaga ng kanyang ubasan, ‘Tatlong taon na akong pabalik-balik dito para tingnan kung may bunga na ang igos na ito, pero wala pa akong nakikita kahit isa. Putulin mo na ang punong iyan! Sayang lang ang lupang kinatatayuan niyan.’
1 Samuel 25:18 (ASD)
Walang sinayang na oras si Abigail. Nagpakuha siya ng dalawandaang piraso ng tinapay, dalawang sisidlang-balat na puno ng alak, limang kinatay na tupa, isang sako ng binusang trigo, isandaang dakot ng pasas, at dalawandaang dakot ng igos. Pagkatapos, ipinakarga niya ito sa mga asno,
Amos 4:9 (ASD)
“Sinira ko nang maraming beses ang inyong mga taniman at ubasan sa pamamagitan ng mainit na hangin at ng mga amag. Sinalakay ng mga balang ang inyong mga puno ng igos at olibo. Ngunit hindi pa rin kayo nanumbalik sa akin,” sabi ng Panginoon .